Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Marami pang nararapat gawin hanggang 2016

(GMT+08:00) 2014-10-23 18:04:53       CRI

INAMIN ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na marami pang nararapat gawin bago sumapit ang 2016. Sa kanyang pagharap sa Foreign Correspondents Association of the Philippines, sinabi niyang kailangan pa umanong matapos ang runway sa Tacloban upang makalapag ang mga jet liners sa paliparan. Pinuri niya si Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson at Transport Secretary Joseph Abaya sapagkat matatapos na nila ang proyekto sa darating na Nobyembre.

Halos natapos na rin ang mga balak para sa mga biktima ni "Yolanda," dagdag pa ni Pangulong Aquino. Natapos na ang post-disaster needs assessment. Kailangan ding kumuha ng dagdag na mga enhinyero upang makasama sa pagpapatupad ng Disaster Risk Reduction Law.

Ani Pangulong Aquino, sa unang pitong buwan, natuon ang kanilang pansin sa relief efforts at ngayo'y nasa rehabilitation at reconstruction phases. Nais din niyang magkaroon ng palipatan sa Samar-Leyte Area na hindi na manganganib tulad ng Tacloban Airport.

Abala rin ang pamahalaan sa connectors tulad ng South Luzon Expressway (SLEX) at North Luzon Expressway (NLEX) na pag-uusapan pa at sasangayunan. Kailangan din ang pagpapabuti ng health networks na kabilang sa kanilang mga prayoridad.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>