|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
HIV cases, napupunang lumalawak ang bilang
NAHAHARAP ang bansa sa paglawak ng mga taong nagkaroon ng HIV sa nakalipas na ilang buwan
Hanggang noong nakalipas na Agosto, ang HIV Registry ng Department of Health ay nakapagtala ng 509 na bagong taong HIV positive, tumaas ng may 33% kung ihahambing sa datos na natamo noong 2013. Mga kalalakihan ang karamihan ng may karamdaman sa pagtatamo ng 96% na mula 20 hanggang 29 na taong gulang.
Mayroong 473 katao ang nagkaroon ng HIV sa pamamagitan ng sexual contact. Umabot naman sa 34 ang nahawahan ng HIV sa paggamit ng mga karayom sa kanilang addiction. Dalawa ang nagkaroon ng karamdaman sa pamamagitan ng mother-to-child transmission.
Sa sexual transmission, ang kalalakihang nakikipagtalik sa kapwa lalaki ay umabot sa 87%.
Mula 1984 hanggang 2014, umabot sa 20,424 na HIV-positive cases at nagkaroon ng 18,567 o 91% ang HIV at 1,857 (9%) ang AIDS cases. Nobenta porsiyento (90%) ang kalalakihan na ang edad ay 20-24 taong gulang.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |