Voluntary Repatriation, inihahanda na para sa mga Pinoy sa Yemen
PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs ang mga Filipino sa Yemen na magpatala sa Embahada ng Pilipinas matapos itaas ang Alert Level mula sa Level 2 na Restriction Phase sa Alert Level 3 na nangangahulugan ng Voluntary Repatriation.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, kailangang maghanda ang mga Filipono upang umalis sa Yemen. Mayroong total deployment ban at ang lahat ng paglalakbay patungo sa Yemen, kabilang na ang mga nagbabakasyon at pabalik na sa Yemen ay hindi na papayagang maglakbay.
Isang Crisis Management Team mula sa Riyadh ang ipinadala sa Sana'a upang bantayan ang mga nagaganap sa larangan ng politika at seguridad at tulungan ang mga mamamayang naroroon.
Ang lahat ng mga Filipino na nais na bumalik sa ilalim ng voluntary repatriation ay nararapat makipagbalitaan sa Crisis Management Team upang matulungan. Nararapat na silang magpatala bago sumapit ika-30 ng Nobyembre.
Kailangan silang makipagbalitaan sa mga ahensyang naroon sa Sana'a Crisis Management Team, Movenpick Hotel Sana'a ,Berlin Street, Sana'a, Yemen Mobile: +967 73 384 4958 at Mr. Mohammed Saleh Al Jamal, Honorary Consul, Philippine Consulate in Sana'a, Hadda Area, Damascus Street, P.O. Box 1696, Sana'a, Yemen, Telephone: +967 1 416751, Fax: +967 1 418254, Mobile: +967 777 2 555 11, Email: honconsanaa@philembassy-riyadh.org
1 2 3 4 5