|
||||||||
|
||
melo/20141028.m4a
|
Pangulong Aquino, 'di interesadong tumakbong muli
WALANG SECOND TERM PARA SA AKIN. Ito ang sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang talumpati sa 13th CEO Forum ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines sa The Peninsula Hotel sa Makati. Exequiel Supera/Malacanang Photo Bureau)
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na wala sa kanyang isipang tumakbong muli sa panguluhan. Hindi siya sang-ayon sa layunin ng mga sektor na humihiling na tumakbo siya sa ikalawang pagkakataon.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines, sinabi niyang hindi ang pagtakbo sa ikalawang pagkakataon ang tamang solusyon. Lahat ay mayroong takdang panahon sa mundong ibabaw.
Pinaalalahanan niya ang mga mamamayan na huwag boboto ng isang lider na self-serving at kailangang suportahan ang kandidatong magpapatotoo sa kanyang mga pangako.
Sa isang panayam sa telebisyon noong Agosto, nabanggit ni Pangulong Aquino na may posibilidad na magkaroon ng second term at makikinig sa nais ng mga mamamayan upang manatili sa poder Napuna ng karamihan na taliwas ito sa nilalaman ng Saligang Batas.
Ayon sa Saligang Batas, ang nakaluklok na pangulo ay 'di papayagang magkaroon ng second term.
Sa isang paglalakbay sa Europa, sinabi ni Pangulong Aquino na magkakaroon na rin ng daan na susugan ang Saligang Batas kung nanaisin ng nakararaming manatili siya sa poder.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |