Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagtatago sa mahihirap na bata, isang kontrobersya na

(GMT+08:00) 2015-01-24 15:38:33       CRI

PINAG-UUSAPAN sa iba't ibang himpilan ng radyo at maging sa social media ang balitang itinago ng pamahalaan ang may 500 street children kasama ang kanilang mga pamilya sa isang bakasyunan sa Nasugbu, Batangas sa limang araw na pananatili ni Pope Francis sa bansa.

Ayon sa isang ulat sa telebisyon, 10 bus na puno ng mga naninirahan sa kalye ang dumating sa Chateau Royale Resort sa Nasugbu, Batangas noong umaga ng Miyerkoles, ika-14 ng Enero.

May 70 silid ang kinuha ng Department of Social Welfare and Development para sa mga mahihirap sa Pasay, Maynila at Paranaque para sa sinabing "family camp."

Ayon sa balita sa media, ang bawat silid ay nagkakahalaga ng P 6,300 bawat gabi subalit nakuha ng DSWD ang mga silid sa halagang P 4,000 bawat isa. May 100 mga tauhan ng DSWD ang nanirahan din sa resort upang daluhan ang pangangailangan ng mga mahihirap at pangasiwaan ang kanilang mga gagawin.

Umalis ang mga nanirahan sa resort noong Lunes, ika-19 ng Enero, ang huling araw ni Pope Francis sa Pilipinas.

Sa isang panayam sa Time Magazine, inamin ni Secretary Corazon Soliman na inilayo ang mga walang tahanang mga pamilya upang hindi sila mahirapan sa pagdagsa ng mga taong dadalo at sasaksi sa mga programang katatampukan ng Santo Papa.

Ipinaliwanag niya na ang family camp sa Nasugbu ay bahagi ng Modified Conditional Cash Transfer program. Idinagdag pa niya na ang mga pamilya ay hindi makapagdudulot ng positibong impluensya sa mga mamamayan.

Sa panayam sa isang himpilan ng radyo, binanggit ni Gng. Soliman na hindi nila itinago ang mahihirap sa Santo Papa.

Sa panig ni Arsobispo Oscar V. Cruz, ang pangyayaring ito'y pinakasukdulan ng pagiging hipokrito ng pamahalaan sapagkat binayaran pa ang gastos ng salapi ng bayan. Ipinagtanong ng dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kung magagawa ni Pangulong Aquino at Kalihim Soliman kung ang salaping ibabayad ay mula sa kanilang lukbutan.

Ani Arsobispo Cruz, hindi dumalaw si Pope Francis sa Pilipinas upang makadaupang palad ang mayayaman.

Sinabi naman ni Arsobispo Ramon Arguelles ng Lipa na pinagtangkaan ng pamahalaang itayo ang katotohanan. Ang nakahihiyang ginawang ito ay paglabag sa kautusan ng Diyos na nakikinig sa hinaing ng mahihirap.

Hindi bingi ang Santo Papa at dumalaw siya sa Pilipinas para sa mahihirap. Batid ni Pope Francis kung sino ang mahihirap at kung nasaan sila. Ngayon malalantad ang pagka-hipokrito ng mga namumuno sa bansa.

Dalangin din ni Arsobispo Arguelles na ang ginawang ito ng pamahalaan at naganap ng walang pagsang-ayon ng mga namumuno sa Simbahan.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>