Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, may pananagutan sa naganap sa Mamasapano

(GMT+08:00) 2015-02-12 17:24:46       CRI

Dating PNP Chief Purisima, inaming siya ang mananagot

SINABI ni dating PNP chief General Alan Purisima na siya ang mananagot sa napalpak na operasyon laban sa mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao. Ito umano ang dahilan kaya't nagbitiw siya sa puwesto.

Ibinalita ni Pangulong Aquino ang pagbibitiw ng kanyang matalik na kaibigan noong nakalipas na Biyernes, ika-anim sa buwan ng Pebrero.

SENADOR MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO, DUMALO SA PAGDINIG.  Patuloy na tinanong ni Senador Miriam Defensor-Santiago si dating PNP Chief Director General Alan Purisima sa kanyang papel sa ginawang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao kaninang umaga.  Ayon sa mambabatas, lumabis si General Purisima sa kanyang mga ginawa sapagkat suspendido na nga siya sa pagiging pinuno ng PNP, nakialam pa sa operasyon ng pulisya laban sa mga terorista.  (PRIB Photo ni Romeo Bugante)

Sa matinding pagtatanong ni Senador Miriam Defensor Santiago, sinabi ni General Purisima na ang malagim na wakas ng operasyon ang dahilan kaya't minabuti niyang magbitiw.

Magugunitang suspendido si Purisima mula noong ika-apat ng Disyembre subalit inamin niyang kalahok pa siya sa operasyong ginawa noong Enero. Ipinaliwanag ni Senador Santiago na pagmamalabis ang ginawa ni General Purisima. Dapat umano'y hindi na pinayagan pa ang general na mahirahan sa tinaguriang "White House," ang tahanang nakalaan para sa mga pinuno ng pambansang pulisya.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>