Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, kinondena ang mga pagpaslang sa Copenhagen
KINONDENA ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ng Pilipinas ang naganap na pamamaril sa Copenhagen na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat ng limang iba pa.
Sa unang insidente, target umano ang isang malayang talakayan sa Copenhagen Cultural Center at isang pananalakay sa karapatang magpahayag.
Nakikiisa ang Pamahalaan ng Pilipinas sa mga pamilya ng mga biktima at nakiisa sa layunin ng mga autoridad na papanagutin ang sinumang may kagagawan ng karumaldumal na krimen.
1 2 3 4 5 6