|
||||||||
|
||
Mas malapit na kalakalan ng Pilipinas at Slovakia, tiniyak
KALAKALAN NG PILIPINAS AT SLOVAKIA, HIGIT NA GAGANDA. Ipinaliliwanag ni Slovakian Deputy Prime Minister at Foreign Minister Miroslaw Lajčák (kanan) na interesado silang makipagkalakal sa mga bansa sa Asia tulad ng Pilipinas. Na sa gawing kaliwa si Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario (kaliwa) sa press briefing sa Diamond Hotel kanina. (Melo M. Acuna)
HIGIT na gaganda ang relasyong diplomatiko at kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Slovakia sa pagdalaw sa Maynila ni Deputy Prime Minister at Foreign Minister Miroslaw Lajčák ngayong araw na ito.
Sa isang press briefing na dinaluhan ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario, sinabi ng dalawang opisyal na nagkasundo silang pag-ibayuhin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa. Sinabi ni G. Lajčák na inanyayahan niya si G. del Rosario at ang mga kinatawan ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na dumalaw sa Slovakia upang tingnan kung anong mga maaaring pagkasunduan sa larangan ng mga sandata at bala.
Ani Secretary del Rosario, kahit mumunti ang kalakal sa pagitan ng dalawang bansa. inaasahang mapalalago ito sa kasunduang narating sa pagdalaw ng kanyang Slovakian counterpart.
Bukod sa diplomatic relations, magkakaroon din ng defense cooperation. Interesado rin sila sa mga produkto ng mga sakahan sa Pilipinas sapagkat mayroon silang mga teknolohiyang mapakikinabangan ng mga magsasakang Filipino.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |