|
||||||||
|
||
Isang grupo ng manggagawa, nanawagang patalsikin si Pangulong Aquino
SA ika-29 na anibersaryo ng EdSA People Power 1, nanawagan ang mga manggagawang kabilang sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino-Partido Lakas Manggagawa at Sanlakas na patalsikin na si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang pwesto.
Sa isang mensaheng ipinadala sa mga mamamahayag, sinabi ng mga manggagwa na nararapat lamang patalsikin ang pangulo hindi lamang sa akusasayon ng kawalan ng kakayahan kungdi ang kanyang pagiging simbolo ng mga panginoong maylupa at mga kapitalista na ang kasakiman sa poder at tubo ang dahilan ng paghihirap at hinagpis ng karamihan ng mga mamamayan.
Idinagdag pa ng grupo na si Pangulong Aquino ang simbolo ng liberalisasyon, deregulasyon, pagsasapribado at kontraktualisasyon na nagpapahirap sa mga mamamayan. Si Pangulong Aquino ang simbolo ng paghahari ng mga pamilya ng mga politiko na nagtataguyod ng demokrasyang para sa mga mayayaman.
Ang trahedya sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 na pulis, 18 mandirigmang Moro at limang sibilyan ang pinakahuling argumento sa pangangailangan ng pagpapatalsik sa pangulo at commander-in-chied ng sandatahang lakas. Karagdagan ang trahedyang ito sa mga bukol na natamo ng administrasyon mula sa pagkasawi ng mga turistang mula sa Hong Kong noong Agosto 2010.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |