Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Laure Shang

(GMT+08:00) 2015-04-29 17:33:14       CRI

Ipinanganak si Laure Shang noong 1982 sa old Shanghai alley. Naging kilala si Laure dahil sa isang Talent Show sa Hunan TV na pinamagatang "Super Girl." Noong 2006, nakuha ni Laure ang unang puwesto sa "Super Girl" dahil sa kanyang magandang boses, at mainit at masiglang palabas.

Marami ang kanta ni Laure sa wikang Ingles at Pranses, dahil nag-major siya sa wikang Pranses sa Fudan University. Mahusay ang kanyang Pranses, at dati siyang naging tagapagsalin ng mga naisapublikong libro. Bukod dito, nakuha rin niya ang First Prize Scholarship ng nasabing paaralan at National Scholarship ng bansa.

Pagdating sa pag-aaral, lagi siyang top student. Nag-aral siya sa mga mabuting middle school at kolehiyo. Noong middle school, siya ay ang class president at may pinakamataas na marka. Ngunit, noong 2nd year high school siya, grabeng bumaba ang kanyang marka, dahil nahumaling siya sa pag-arte, pagsali sa mga singing contest, palabas, drama, at pagda-drum. Pag-akyat niya ng 3rd year high school, dahil sa presyur ng entrance exam sa kolehiyo, isang taon siyang tumira siya sa boarding school para mapabuti ang kanyang mga marka.

Sa talent show sa Hunan TV na pinamagatang "I am a singer," lumahok din dito si Laure. Kahit hindi siya pumasok sa finals, sa bawat episode, ipinakita niya ang bagong outlook at estilo, at nag-iwan siya ng malalim na impresyon sa mga manonood.

Ngayon, bukod sa pag-awit, si Laure ay mayroon ding sariling studio. Itinuturing siya ng maraming tao na "Godness." Pero, hindi niya gusto ang tawag na ito. Mas gusto niya ang tawag na "Female Boss."

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Li Jian 2015-04-21 16:05:07
v Leehom Wang 2015-04-14 18:20:14
v Cecilia Cheung 2015-04-09 15:31:03
v Deng Ziqi 2015-03-31 17:09:23
v Dai Quan 2015-03-25 16:59:43
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>