Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Aral sa abroad

(GMT+08:00) 2015-04-30 16:19:08       CRI

Kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya ng Tsina, umunlad din ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Kaya naman, tumaas din ang appeal ng Tsina sa mga mag-aaral mula sa ibang bansa.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Ministri ng Edukasyon, ang Tsina ngayon ang siya nang ika-3 pinakapopular na "study destination" para sa mga expat na estudyante. Naungusan na po ng Tsina ang Pransya sa arenang ito. Ang pangtalawa ay United Kingdom, samantalang nasa unang puwesto ang Amerika.

Ayon pa sa website ng nasabing ministri, mayroong 377,054 na estudyanteng mula sa 203 bansa at rehiyon ang nag-aral sa Mainland Tsina noong 2014. Ito ay ay mas mataas ng 5.77% (20,555) kaysa sa taong 2013. Karamihan sa mga ito ay mula sa Asya.

Pero, ang tanong: sa anong bansa karaniwang nagmumula ang mga estudyante? Ano ang mga kursong pinag-aaralan ng mga dayuhan sa Tsina? Ano ang mga problemang kinakaharap ng mga unibersidad ng Tsina upang ang mga ito ay magkaroon ng higit na international appeal?

Ayon pa rin sa Ministri ng Edukasyon ng Tsina, ang pangatlo sa listahan ng pinakamaraming nag-aaral sa bansa ay mula sa Thailand, pangalawa ay mula sa Amerika, at ang nasa unang puwesto ay Timog Korea.

Sa kabilang dako, ang mga kursong pinag-aaralan ng mga expat sa Tsina ay: wika para sa mga mula sa maunlad na bansa; at mga degree program naman na tulad ng medisina, engineering, etc. para sa mga mula sa umuunlad na bansa.

Pero, mga kaibigan, kahit marami nang expat ang nag-aaral sa Tsina, marami pa rin ang mga problemang kinakaharap ng mga unibersidad dito upang totohanang masabing internasyonal na sila. Una sa mga problemang ito ay wlang website sa wikang Ingles ang karamihan sa mga unibersidad sa Tsina: pangalawa, walang application form sa wikang Ingles: ikatlo, walang kurso sa Ingles: ikaapat, problema sa pagta-transfer ng subject credir kung ang mag-aaral ay mula sa unibersidad sa labas ng Tsina.

Ibig sabihin mga kaibigan, para makapag-aral ang isang dayuhan sa Tsina, kailangang bihasa siya sa Mandarin at may karunungan siya sa kulturang Tsino.

Pero, sa kabila ng mga ito, alam po ba ninyo na may mga unibersidad na ngayon ang nag-o-offer ng kurso sa wikang Ingles? Isa po diyan ang Beijing Foreign Studies University.

Si Andile Munyai ay tubong South Africa. Siya ay dating DJ at ngayon ay isa nang estudyante, na kumukuha ng kursong Business and Marketing sa Beijing Foreign Studies University. Pakinggan po natin ang kanyang kuwento.

 

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Pagpapalaganap ng Wushu 2015-04-23 15:56:11
v Hanep na bookstore 2015-04-16 16:12:34
v Musika at sayaw na may damdamin 2015-04-09 17:40:14
v Wine ng Timog Aprika 2015-03-26 17:32:09
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>