Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, umaasang tagumpay ang paglalakbay

(GMT+08:00) 2015-06-02 17:45:33       CRI

 

Pangulong Aquino, umaasang tagumpay ang paglalakbay

PANGULONG AQUINO, NAGLAKBAY PATUNGONG JAPAN. Inihatid ni AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr. si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III patungo sa eroplanong magdadala sa kanya sa Japan. Magtatagal siya roon ng hanggang Biyernes. (MALACANANG PHOTO)

SA paanyaya ng Pamahalaan ng Hapon, lumisan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III patungong Tokyo kaninang umaga.

Sa kanyang talumpati sa Ninoy Aquino International Airport Terminal II, sinabi niyang makakaharap niya si Emperador Akihito at Empress Michiko upang magpasalamat sa tulong sa Pilipinas.

Makakausap din niya si Prime Minister Shinzo Abe upang higit na tumibay ang relasyong namamagitan sa dalawang bansa. Dadalo rin siya sa joint session ng parliamento ng bansa. Umaasa siyang magdudulot ito ng ibayong kaunlaran sa bansa at mga mamamayan.

Makakaharap din niya ang mga kinatawan ng Nippon Keidanren, Japan Chamber of Commerce and Industry, Keizai Doyukai, at Boekikai at mga samahan ng mga kumpanya at negosyo.

Samantalang nasa Japan, dadalo rin siya sa Nikkei 21st International Conference on the Future of Asia. Ibabahagi umano niya ang repormang ipinatupad ng pamahalaan at makakaharap din ang mga Filipino sa Japan.

Mayroon din siyang pagkakataong makausap ang siyam na kadeteng Filipino sa National Defense Academy of Japan at ng Philippine Military Academy at ilang nurses at caregivers na nakarating doon sa pamamagitan ng Philippine – Japan Economic Partnership Agreement.

Nakatakdang bumalik si Pangulong Aquino sa Biyernes, ika-lima ng Hunyo.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>