Senate President Drilon, tumangging minadali ang resolusyon
MARIING itinanggi ni Senate President Franklin M. Drilon na minadali nila ang subcommittee draft report na nagrekomendang kasuhan ng plunder sina Pangalawang Pangulo Jejomar C. Binay at iba pa.
May sampung senador o karamihan ng mga kasapi sa 17-kataong Senate Blue Ribbon Committee ang lumagda sa ulat na nagsiyasat sa sinasabing overpricing ng Makati City Hall 2 parking building.
Ayon kay Senador Drilon, mula pa noong Agosto 2014 ay nagsimula na ang pagdinig. Hindi niya umano maunawaan ang sinasabing minadali ang ulat. Nabanggit ng mga kaalyado ni Vice President Binay na napakaraming pagdinig na ang nagawa sapagkat may 21 na mula noong Agosto, siyam na buwan na ang nakararaan. Ngayon naman ay sinasabing minadali. Kasama sa komite si Senador Nancy Binday kaya't walang masasabing minadali ang ulat.
Niliwanag ni Senador Drilon na ang buong Senado at hindi iisang senador, ang sasang-ayon sa report.
Makararating na sa plenaryo ang resolusyon at doon pagdedebatehan.
1 2 3 4 5