Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Public Attorney's Office, tuloy pa rin sa pag-alalay sa mga biktima ng "Princess of the Stars"

(GMT+08:00) 2015-06-18 17:58:16       CRI

NANGAKO si Chief Public Attorney Persida V. Rueda-Acosta na itutuloy ng kanyang tanggapan ang paglilingkod sa mga naulila at biktima ng lumubog na "Princess of the Stars."

MGA LABING NABAWI, DI PA NAKIKILALA.  Hawak ni Chief Public Attorney ang isa sa mga labing nakuha ng kanilang koponan mula sa lumubog na barkong "Princess of the Stars" pitong taon na ang nakalilipas.  Hindi pa nakikilala ang mga labi sapagkat wala pang ang DNA samples at medical records na ibinigay ng mga kamaganak sa National Bureau of Investigation pagkatapos ng sakuna.  (PAO Photo)

Ito ang kanyang sinabi sa paggunita sa malagim na sakunang naganap pitong taon na ang nakalilipas. Isang Misa na pinamunuan ni Fr. Robert Reyes, OFM ang ginawa kasama ang mga mga malalapit na kamag-anak at mga kawani ng Public Attorneys Office.

LUHAAN ANG MGA NAULILA NG MGA BIKTIMA NG PRINCESS OF THE STARS.  Ito ang larawang kuha samantalang binabasbasan ni Fr. Robert Reyes, OFM ang mga labi ng mga biktima ng Princess of the Stars na lumubog pitong taon na ang nakalilipas.  Naghahanap pa rin ng katarungan ang mga nabalo at naulila.  (PAO Photo)

Naniniwala sina Atty. Acosta na buhay pa ang kapitan ng lumubog na barko. Nakilala ang kapitan sa pangalang Florencio Marimon.

Ipinaliwanag din ni Atty. Acosta na walang pagbabago sa tayo ng usapin kahit pa pinalitan ang pangalan ng Sulpicio Lines, Inc at ngayo'y kilala na sa pangalang Philippine Span Asia Corporation sapagkat napalitan din ang titulo ng usapin at hindi rin nagbago ang pangalan ng mga akusado.

Sa naganap na pre-trial stage ng mga kasong sibil sa Maynila at Cebu, sumailalim ang mga nagdemanda, mga kamag-anak ng mga biktima ng Princess of the Stars at ang mga ipinagsakdal, ang mga bumubuo ng Sulpicio Lines sa Mediation at Conciliation proceedings na walang pinatunguhan sapagkat nag-alok ang mga kinatawan ng Sulpicio ng tig-sasampung libong piso sa lahat ng mga naging biktima. Ginawa na ang raffle kung kaninong tanggapan mapupunta ang usapin at hindi nagbago ang alok ng Sulpicio Lines sa halagang P 10,000.00 bawat isa.

Kahit pa nawalan na ng mahal sa buhay, bukas pa rin ang mga kamag-anak sa mediation at conciliation. Tanging P 200,000 lamang bilang insurance at P 20,000 para sa pagpapalibing ng bawat nasawi ang naibigay.

Isa sa mga nalalabing balakid sa pagkakakilanlan ng mga nasawi ay ang patuloy na pagtanggi ng isang Dr. Renato Bautista ng National Bureau of Investigation na ibigay ang mga datos, kagamitan at ebidensyang isinumite ng mga naulila at mga kamag-anak sa Public Attorney's Office na tuwirng lumabag sa kautusan ng hukuman. Nadeklara ang doktor na contempt of court subalit hindi pa rin natinag ang manggagamot.

Tinatayang ang pinsalang nararapat bayaran sa mga nagreklamo sa Cebu ay aabot sa P 650 milyon samantalang may P 387 milyon naman ang nararapat bayaran sa mga naulilang mula sa Luzon.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>