Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Public Attorney's Office, tuloy pa rin sa pag-alalay sa mga biktima ng "Princess of the Stars"

(GMT+08:00) 2015-06-18 17:58:16       CRI

Banking system sa Pilipinas, matatag

TINIYAK ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, Jr. na handa ang Pilipinas sa anumang pagbabago sa pamamagitan ng pagkatha ng makabubuting palatuntunan sa gitna ng malalaking hamon.

Ito ang kanyang sinabi sa ika-anim na general membership meeting ng Finance Executives Association kahapon sa Hotel Intercontinental – Makati.

Ilan umanong mga bangko sentral sa rehiyon ang nagkaroon ng kanilang pagbabago sa policy settings sa nakalipas na ilang buwan. Hindi umano sumunod ang Pilipinas sapagkat iba ang kalagayan ng mga kalapit-bansa sa Pilipinas.

Maayos umano ang inflation sa bansa. Samantalang may pagbagal sa ekonomiya at mabuway na halaga ng hindi magkakatugmang monetary policies sa mga mayayamang bansa, nananatiling matatag ang domestic demand. Mayroong solidong private demand ayon na rin sa pagsusuri ng mga mangangalakal. Kahit pa mas mababa ang First Quarter GDP growth sa inaasahan, makakabawi ang ekonomiya sa pagkakaroon ng sapat na salapi at mas mataas na paggasta ng pamahalaan.

Nakikita pa niya ang inflation setting 3+1 percent mula ngayon hanggang sa susunod na taon.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>