Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, mananatiling bukas sa pakikipag-usap sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2015-07-07 18:49:31       CRI

Tsina, mananatiling bukas sa pakikipag-usap sa Pilipinas

TSINA, NANANATILING BUKAS SA PAKIKIPAG-USAP SA PILIPINAS. Ito ang sinabi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kahapon sa kanilang embahada matapos ang seremonya sa pagbibigay ng mga aklat sa National Library of the Philippines. (File Photo/Melo M. Acuna)

MALACANANG, TUMANGGI SA PANUKALA NI AMBASSADOR ZHAO. Mas makabubuti umano ang multi-lateral talks sa isyu ng South China Sea. ito ang reaksyon ni PCOO Secretary Herminio "Sonny" Coloma, Jr. sa panukala kahapon ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua. (File Photo/Melo M. Acuna)

SINABI ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na bukas at mananatiling bukas ang Tsina sa pakikipag-usap sa Pilipinas. Ito ang kanyang sinabi sa mga mamamahayag kahapon sa Embahada ng Tsina sa turn-over ng mga aklat sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas.

Ayon sa mga balitang lumabas sa Maynila, naganap ang pahayag ni Ambassador Zhao isang araw matapos ang pagpapatuloy ng pagsusuri kung mayroon nga bang hurisdiksyon ang United Nations tribunal sa usaping dinala ng Pilipinas hinggil sa pagsasabi ng Beijing na malaking bahagi ng karagatan sa South China Sea ang pag-aari ng mga Tsino.

Ani Ambassador Zhao, makabubuti para sa dalawang bansa na maupo at mag-usap ng walang anumang kondisyon sapagkat ito ang pinakamagandang paraan upang mapag-usapan ng payapa ang mga 'di pagkakaunawaan.

Wala umanong balak ang Tsina na manakop ng mga bansa, dagdag pa ni Ambassador Zhao.

Samantala, iginiit ng Pilipinas na walang anumang magaganap na pakikipag-usap sa Tsina upang malutas ang matagal na 'di pagkakaunawaan hinggil sa South China Sea.

Sa isang press briefing, sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. na hindi sang-ayon ang pamahalaan sa mungkahi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua kahapon.

Ani G. Coloma, nararapat lamang na idaan ito sa multi-lateral discussions sa pamamagitan na rin ng Association of Southeast Asian Nations. Malinaw umano ang posisyon ng Pilipinas lalo't mayroong Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea sa pagitan ng Tsina at mga kasapo ng ASEAN na nilagdaan noong 2002. Kailangan umanong mabuo ang Code of Conduct sa pinakamadaling panahon, dagdag pa ni G. Coloma.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>