Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nagulat sa mga inihayag ni G. Binay

(GMT+08:00) 2015-06-25 18:01:11       CRI

 

Pangulong Aquino, nagulat sa mga inihayag ni G. Binay

HINDI maunawaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kung bakit nagsalita ng ganoon si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay samantalang ginawa na naman niya ang lahat upang tulungan ang kanyang bise presidente.

Ani Pangulong Aquino, nahalal si G. Binay ng mga mamamayan at nabigyan ng pagkakataon upang hindi maging spare tire. Ito ang kanyang pahayag sa pagtatapos ng Livestock Expo at Convention kanina.

Noong Lunes ay nagbitiw si Pangalawang Pangulong Binay sa kanyang posisyon sa gabinete. Kahapon, sinabi naman ni G. Binay na manhid at palpak ang Administrasyong Aquino.

Idinagadag pa ni Pangulong Aquino na nagulat siya sa pagbibitiw ni G. Binay.

Ibinigay umano ng pamahalaan kay Binay ang pagkakataon na magtagal ang kanyang popularity ratings kahit pa hindi kaalyado noong tumakbo sila noong 2010.

Maaari umanong may mga lihim na paraan si G. Binay kung paano mapapatakbo ng mas mahusay ang pamahalaan. Baka umano napagtanto ni G. Binay na hindi siya ang itataguyod ng pangulo sa darating na halalan kaya't tumiwalag na sa administrasyon, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>