Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Monster Hunt

(GMT+08:00) 2015-08-04 14:00:54       CRI

Kamakailan ipinahayag ng State Administration of Press, Publication, Radio, Film and Television na ang Monster Hunt ang pinakamatagumpay na Chinese Film of all time. Ang Monster Hunt ay kumita ng higit 1.268 billion yuan o ($204.4 million) sa box office sa loob ng 10 araw lang matapos ang pagbubukas nito sa mga sinehan noong July 16.

Noon hawak ng Lost in Thailand ang China's box office record. Ang pelikula na ipinalabas noong 2012 ay low-budget comedy na directed by director Xu Zheng. At nasa second place ang pelikula ng Hong Kong writer-director na si Stephen Chow na "Journey to the West: Conquering the Demons."

Ang Monster Hunt ay directorial debut ni Raman Hui, siya ay isang Hong Kong animator at kilala sa kanyang naging ambag bilang co-director ng mga Hollywood blockbusters na Shrek, Antz at Kungfu Panda.

Ang "Monster Hunt" ay tungkol sa kwento ng isang lalaking nanganak ng monster by accident. Star-studded ang cast nito na kinabibilangan nina Jing Boran (You are the Apple of My Eye), Bai Baihe (Personal Tailor), Yao Chen, Tang Wei (Lust Caution), Eric Tsang (Infernal Affairs), Sandra Ng (Golden Chicken 3), Yan Ni (A Woman, a Gun and a Noodle Shop) and Wallace Chung (Drug War).

Ang pelikula ay adaptation ng Chinese classic book na Strange Stories from Chinese Studio.

At nagulat ang lahat sa box office figures ng pelikula. Sa unang araw nito kumita na ito ng 171 million yuan. 300 million yuan sa day two. 500 million yuan sa ikatlong araw. Naitala nito ang rekord para sa pinakamataas na opening day at single day record para sa isang local film. Dagdag info pagdating naman sa mga pelikulang galing sa Hollywood: highest grossing film ever sa Tsina ang Furious 7, Sinundan ng Trasformers: Age of Extinction, Avengers: Age of Ultron at Jurassic World. Ang Monster Hunt ay nasa ikalimang pwesto sa over-all ranking ng top grossing films sa Tsina. .

Ang Monster Hunt, ay isang fantasy comedy, na nagtatampok kay Huba, isang napaka cute na baby monster na anak ng tao at tagapagmana ng monster king. Kinaharap ni Huba ang mga monster-hating humans at mga kapwa niya monster na nagtangkang kidnapin ang baby na si Huba. Dahil dito isang rollercoaster adventure ang naganap sa ancient world ng sinaunang Tsina.

Alamin ang iba pang detelaye ng pelikula mula sa mga movie buddies na sina Mac. Andrea at Sarah sa programang Pelikulang Tsino Nood Tayo.

 

May Kinalamang Babasahin
mac
v Monkey King : Hero is Back 2015-07-30 11:01:07
v Dream Flight 2015-07-24 11:22:33
v From Vegas to Macau II 2015-07-18 17:07:52
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>