Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang politiko sa gabinete ni VP Binay

(GMT+08:00) 2015-09-03 16:02:37       CRI

Walang politiko sa gabinete ni VP Binay

NANGAKO si Vice President Jejomar C. Binay na walang sinumang politiko na mahihirang sa kanyang gabinete kung papalarin siyang magwagi sa halalan.

Ito ang kanyang sinabi sa kanyang talumpati sa Wallace Business Forum sa Makati City kanina. Tiniyak ng pangalawang pangulo na ang lahat ng miyembro ng gabinete ay pinakamagagaling sa kanilang pinagkadalubhasaan, maging sa private practice o sa kanilang public management na nagtataglay ng katapatan, kakayahan at pagdedesisyon.

Iba umano ang kanyang istilo ng pagpapatakbo ng pamahalaan. Hindi lamang umano siya nagbabalak o nangangako sapagkat tinitiyak niyang magaganap ang kanyang ipinangako.

Ayon sa pangalawang pangulo, madalas niyang kakausapin at kukunsultahin ang business sector at aalaman ang kanilang posisyon. Hahayaan niyang magsalita ang business sector kahit pa matuligsa siya sapagkat magkakasundo rin naman sila.

Magiging regular na rin ang pulong ng Legislative Executive Development Advisory Council at ang Judicial Executive Legislative Advisory Council upang malutas ang mga nalalabing suliranin.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>