|
||||||||
|
||
Pulong ng APEC hinggil sa counter-terrorism natapos na
GINANAP ang ika-anim na APEC Counter-Terrorism working group meeting sa Waterfront Cebu City mula noong Martes hanggang kamakalawa. Ito ang ikatlo at huling pulong ng technical working group. Ang isa pang pulong ay ginawa sa Subic Bay noong ika-31 ng Enero hanggang unang araw ng Pebrero.
Samantala ang isa pang pulong ay idinaos naman sa Boracay noong Mayo dies hanggang onse.
Pinamunuan ni General Oscar F. Valenzuela ng Pilipinas at tinulungan ni Program Director Diego Garcia Gonzales ang pagpupulong. Sa ikalawang araw ng pulong sa Cebu City, lumahok na ang bagong halal ng Vice Chairman na si Glen Askew ng Australia.
Ang Australia ang nahalal na Vice Chair ng technical working group sa unang araw. Unang nagpahayag ng suporta sa Australia ang Russia at sumangayon na rin ang iba pang mga bansa. Suportado tin ng United States, Pilipinas, Indonesia, Vietnam, Chinese Taipei, Peru, Trina, Papuag New Guinea, Brunei at Japan. Nagpasalamat ang Australia sa suporta ng mga bansang kabilang sa APEC.
Isa sa pinakamahalagang paksang pinag-usapan ang problemang dulot ng mga banyagang terrorist fighters. Ito ang karugtong sa mga pinag-usapan sa Secure travel Workshop na nagtuon ng pansin sa foreign terrorist fighter travel noong Agosto 30 hanggang 31 sa Waterfront Hotel na itinaguyod ng Estados Unidos. Peligro umano ang paglalakbay ng mga foreign terrorists sa Asia Pacific region.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |