Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Integrated Bar of the Philippines, nabahala sa mga pagpaslang

(GMT+08:00) 2015-09-04 16:04:43       CRI

P 7.5 bilyong sovereign guarantee, nabulgar

NABAHALA ang Bagong Alyansang Makabayan sa kahilingan ni Department of Transportation and Communication Secretary Joseph Emilio Abaya kamakailan sa Department of Budget and Management sa ilalim ni Secretary Florencio Abad na maglabas ng P 7.519 bilyon bilang penalty payments bilang penalty payments sa Ayala – Metro Pacific consortium Light Rail Manila Corporation.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bayan na napagwagian ng LRMC ang LRT 1 extension contract na kinabibilangan ng pagpapatakbo at loperasyon ng kasalukuyang LRT 1 at pagtatayo ng iisang terminal sa Trinoma sa North Edsa.

Ang penalty payments ay dahilan sa palpak na kontratang pinasok ng Aquino government sa mga nagwaging bidder.

Sinabi ni Bayan Secretary General Renato Reyes na ito'y isang uri ng sovereign guarantee na papasanin ng mga mamamayan at ang halaga'y nakahihiya at hindi katanggap-tanggap.

Magugunitang noong ikalawang araw ng Oktubre 2014, lumagda ang Aquino government at ang LRMC ng isang 32-taong kontratang pumapayag sa LRMC na hawakan ang operasyon ang LRT 1 at magtayo ng dagdag na mga himpilan at riles patungong Bacoor, Cavite. Ang LRMC ay nakatakdang magbayad ng concession fee na P 9.35 bilyon. Sa ilalim ng kontrata, kailangan lamang magbayad ng 10% ng buong concession fee o P935 milyon sa oras na lumagda ng kontrata sa pamahalaan. Ang iba pang kabayaran ay sisimulan sa ika-limang taon ng kontrata.

Obligadong magmulta ang pamahalaan sa pribadong concessionaire kung hindi makakasunod sa nilalaman ng kontrata. Kabilang dito ang mga multa sa kalagayan ng infrastructure ng train system na ibibigay sa LRMC at mga multa sa hindi pagtupad sa napagkasunduang pasahe sa tren.

Sa kanyang liham, sinabi ni G. Abaya na kailangang ilabas ang P 504 bilyon sa hindi pagsunod ng pamahalaan sa mga obligasyon nitong may kinalaman sa maintenance at operasyon ng kasalukuyang train lines. Kabilang ang structural, seismic at fire defects sa sistema at mga bumabagsak na bilang ng mga nagagamit na mga LRV sa kontrata..


1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>