Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tapat na pagsisiyasat, kailangan

(GMT+08:00) 2015-09-15 17:50:15       CRI

 

 

Tapat na pagsisiyasat, kailangan

IBAYONG IMBESTIGASYON KAILANGAN. Ito ang panawagan ni Arsobispo Socrates B. Villegas sa pamahalaan matapos tatlong mga lider ng Lumad sa Surigao del Sur ang nabalitang pinaslang ng isang grupo ng mga paramilitary agents kamakailan. (Roy Lagarde/Noli Yamsuan)

NANAWAGAN si Arsobispo Socrates B. Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, sa pamahalaan na magsagawa ng walang pinapanigang pagsisiyasat sa pagkasawi ng mga Lumad sa kamay ng armadong para-military groups. Pinangalanan ng Association of Major Religious Superiors ang Magahat-Bagani Force na nasa likod ng pamamaslang.

Pumapanig ang kapulungan ng mga Obispo sa mga biktima sampu nan g kanilang mga naulilang pamilya at nagluluksang mga komunidad.

Sa isang pahayag, sinabi ni Arsobispo Villegas na napapanahon ang masusing pagsisiyasat upang mapanagot ang mga may kagagawan ng mga pagpaslang.

Bukod sa kanilang kahirapan, wala silang tagapagtanggol at walang naninindigan para sa kanilang mga karapatan. Sa trahedyang sinapit ng kanilang mga komunidad, lalong tumingkad ang kanilang kahirapan. Hindi nararapat manaig ang kawalan ng katarungan sapagkat hindi ito ang nais ng Panginoon.

Higit umanong nakakabagabag ang paglabas ng balitang mga para-military groups ang sangkot sa krimen. Hindi saklaw ng "chain of command" ang mga ito at nagagamit ng pamahalaan sa paglaban sa mga naghihimagsik na sektor ng lipunan.

Ikinalungkot din ni Arsobispo Villegas na madaling pinawalang-sala ng mga mga pinuno ng bansa ang mga para-military groups sa krimen.

Mas maganda umano ang pagpapahayag ng pamahalaan matapos ang masusing imbestigasyon, dagdag pa ni Arsobispo Villegas.

Unang lumabas sa media ang pagpaslang sa isang school director at dalawang community leaders sa Liansga, Surigao del Sur noong unang araw ng Setyembre.

Ayon sa isang non-government organization na kinilala sa pangalang Karapatan, isang Emerico Samarte, executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development (ALCADEV), ang ginapos at pinagsasaksak sa loob ng silid-aralan sa Barangay Diagaton ng paramilitary group na kinilala sa pangalang Magahat. Natagpuan ang kanyang bangkay kinaumagahan.

Huli siyang nakitang buhay noong Lunes bago sinunog ang isang tanggapan ng kooperatiba katabi ng kanyang paaralan. Bagama't pribado ang ALCADEV, saklaw ito ng regulasyon ng pamahalaan na nagbibigay ng basic at technical education sa mga katutubong kabataan na hindi nararating ng pamahalaan.

Noon ding umagang iyon, ayon sa Karapatan, ginising ng Magahat ang buong barangay at pinalabas si Dionel Campus at ang kanyang pinsang si Auerlio Sinzo. Binaril ang magpinsan samantalang nasaksihan ng mga taga-barangay.

Si Campus ay isang community leader at pinuno ng grupong Maluhatayong Pakigbisig Alansa sa Sumusunod na nananinindgan sa kanilang karapatan sa mga minanang lupain at paglabag sa karapatang pangtao.

Ayon sa Karapatan, ang Magahat ay suportado ng mga military na maghanap ng mga pumupuna sa pamahalaan at namumuno sa low-intensity anti-communist witch-hunt sa mga barangay. Higit na sa 1,000 mga taga-barangay ang umalis na sa kanilang mga tahanan at nagtungo na sa kabayanan.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>