|
||||||||
|
||
rhio
|
Mga kaibigan, last week ay nagpunta po tayo sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, Tsina upang i-cover ang mga pangyayari sa Ika-12 China-ASEAN Exposition (CAExpo).
Doon ay nakapanayam natin ang mga opisyal ng Pilipinas na namuno sa ating delegasyon; nariyan si Undersecretary Ponciano Manalo Jr. ng Department of Trade and Industry, Mayor Beng Climaco ng Zamboanga City, na siya ring City of Charm ng Pilipinas sa taong ito, opisyal ng mga export processing zone at free port, at marimi pang iba.
Siguro, nabasa rin po ninyo ang mga balita na aming ginawa tungkol sa naturang ekspo.
Pero, ano nga ba itong CAExpo? Bakit ito napakalaking taunang aktibidad para sa Tsina at mga bansang ASEAN? Higit sa lahat, ano ba ang pakinabang nito para sa Pilipinas at mga bansang ASEAN?
Marami pong teknikal na depinisyon ang CAExpo, pero kung pasisimplehin natin, ito ay isang plataporma para sa Tsina at mga bansang ASEAN upang magkaroon ng relasyong pang-ekonomiya: isa rin itong paraan para magpalitan ng kultura. Ito rin ay mekanismong nagpo-promote sa China-ASEAN Free Trade Area (CAFTA), na siya namang dahilan ng mga economic trade cooperation sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Sa madaling salita, ang CAExpo at CAFTA ay isang napakagandang paraan upang magkaroon ng negosyo sa pagitan ng Tsina at ASEAN: gayundin, ito ay mainam na paraan upang maibahagi at maipakita ng bawat panig ang kanilang kultura.
Pero, teka muna, sa paanong paraan, magkakaroon ng negosyo at pagpapalitan ng kultura?
Noong November 3 – 6, 2004, idinaos ang kauna-unahang CAExpo sa lunsod ng Nanning. Taun-taon mula noon, idinaraos sa nasabing lunsod ang nasabing aktibidad. Sa CAExpo, ine-exhibit ng mga participant mula sa Tsina at mga bansang ASEAN ang kanilang mga produkto. Mayroon din ditong city of charm, kung saan ipinakikita ang gandang panturismo ng bawat bansa, at ang kanilang mga katutubong sayaw, kanta, at ibat-ibang obra.
Syempre, dahil expo, napakaraming tao mula sa ibat-ibang dako ng Tsina ang nagpupunta rito upang bumili ng mga produktong ASEAN, makipagkolaborasyon upang magtayo ng negosyo sa Tsina o ASEAN, at i-enjoy ang mga palabas na pangkultura.
Ito rin ay isang magandang porum upang makita sa mga Tsino ang taglay na panturismong ganda ng mga bansang ASEAN at vice versa.
Sa taong ito, umikot ang tema ng Ika-12 CAExpo sa pagtatayo ng 21st Century Maritime Silk Road.
Samantala, ang Pilipinas ay may 2 pavilion: ang Commodity Trade Pavilion, kung saan 26 na kompanya ng local food, home, health and wellness, at fashion ang nag-exhibit ng kanilang mga produkto at serbisyo; at ang National Pavilion, kung saan iprinomote ng mga Investment Promotion Agencies (IPA's) at Zamboanga (City of Charm ng Pilipinas) ang kanilang mga bentaheng pang-negosyo at panturismo.
Ayon sa Center for Intenational Trade and Mission ng Department of Trade and Industry (CITEM-DTI), nagkaroon ng mahigit USD 1.8 milyong ang Pilipinas mula sa CAExpo noong nakaraang taon.
Malaking halaga po ang pakinabang ng ating mga negosyo mula sa CAExpo ano po?
Habang nasa Nanning, pinuntuhan po natin ang Commodity Trade Pavilion upang makausap ang ating mga kababayan na nag-exhibit ng kanilang mga produkto at serbisyo roon. Pakinggan po natin sila.
Sina Rowida Concepcion (kaliwa sa litrato) ng Rowilda's Handloom Weaving, at Rhio Zablan, reporter mula sa Serbisyo Filipino ng China Radio International (CRI).
Sina Rosemarie Diaz Battung (kanan sa litrato) ng Albay Pilinut Candy, at Rhio Zablan, reporter mula sa Serbisyo Filipino ng China Radio International (CRI).
Back to Rhio's Blog
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |