Pagsisiyasat hinggil sa mga anomalya sa Bilibid, ipinag-utos
INATASAN ni Justice Secretary Alfredo Caguioa si Bureau of Corrections Director Ricardo Rainier Cruz III na siyasat ang pagkakasangkot ng mga tauhan ng New Bilibid Prison sa pagkakaroon ng mga kontrando sa piitan.
Lumabas ang kautusan matapos masamsam ang isang drone kasabay ng mga sandata, bala, patalim, salapi at alahas sa pagsalakay noong Huwebes kasunod ng pagkakabaril kay Charlie Quidato ng isa ring bilanggo sa maximum security compound.
Sa isang pahayag, sinabi ni Caguioa na kailangang alamin ni Cruz ang posibleng criminal at administrative liability ng mga tauhan ng NBP. Isang Parrot AR Drone 2.0 ang nadiskubre sa loob ng isang bodega sa isang dormitoryo noong nakalipas na Miyerkoles. Mayroon din itong mga camera at pinalilipad ng isang smartphone o tablet. Magkakahalaga ito ng hanggang $ 400.
1 2 3 4 5