Tatlong milyong botante, wala pang biometrics
PINAALALAHANAN ng Commission on Elections ang may tatlong milyong botanteng wala pang biometrics na mayroong apat na araw na lamang na nalalabi para sa pagpapatala upang makalahok sa 2016 elections.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. James Jimenez na magparehistro nab ago sumapit ang ika-31 ng Oktubre. Walang anumang extension na magaganap. Ang mga satellite areas ay nakatatanggap lamang ng 1,000 mga nagpaparehistro sa bawat araw.
May mga mamamayang naa-aburido sa haba ng pila. May priority numbers na ibinibigay sapagkat ang registration machine ay nakatatanggap lamang ng 250 katao.
Hindi pa nagpupulong ang mga komisyunado upang mabigyan ng extension ang mga nasalanta ng bagyong si "Lando."
1 2 3 4 5