|
||||||||
|
||
Ilang bahagi ng Luzon at Kabisayaan, apektado ng mga sagupaan
APEKTADO na ang mga mamamayan ng ilang bahagi ng Luzon at Visayas ng matagalang mga sagupaan ng mga kawal ng pamahalaan at ng New people's Army. Ang mga naninirahan sa malalayong pook ang nagdarahop kaya't isang malaking hamon ang kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ayon kay Ualid Bech, pinuno ng ICRC subdelegation sa Luzon at Kabisayaan na ang kaunlaran sa ekonomiya ay napipigil sa mga komunidad na ito at patuloy na nahihirapan sa manaka-nakang mga sagupaan. Idinagdag pa niyang naaantala rin ang paghahatid ng basic services sa mga kanayunan.
May mga palatuntunan ang International Committee of the Red Cross upang matulungan ang mga mahihirap sa liblib na mga barangay na makapamuhay ng maayos.
Ang mga makikinabang na mismo ang siyang kikilala ng mga proyektong magiging mabisa para sa kanilang kapakanan.
Ang mga proyektong ito ay tinututukan at sinusuri sa pamamagitan ng mga pagdalaw ng mga tauhan ng ICRC na suportado rin ng mga volunteer mula sa Philippine Red Cross.
Mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, nakapamahagi na ang Red Cross ng mga kagamitang pangsakahan at pananim sa may 2,360 pamilya, nagpatupad ng cash-for-work para sa 551 katao, nagbigay ng conditional cash grants sa may 887 pamilya para sa kani-kanilang livelihood programs.
Napakinabangan ng may 20,507 katao sa pitong bayang apektado ng mga sagupaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |