|
||||||||
|
||
Pilipinas, nakiisa sa mga biktima ng lindol sa Afghanistan at Pakistan
NAKIKIRAMAY ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga pamahalaan at mga mamamayan ng Afghanistan at Pakistan sa malakas na lindol na yumanig sa dalawang bansa at ikinasawi at ikinasugat ng marami noong Martes.
Nakikiisa ang Pilipinas at mga Filipino sa sakit, lumbay at pangamba ng mga biktima ng kalamidad.
Sa isang pahayag mula sa Department of Foreign Affairs, sinabing nakikiisa ang mga Filipino sa mga biktima at masusing magbabantay ng mga magaganap sa pook.
Kasama ng pakikiisa ang panalangin sa mga biktima upang maganap ang madaliang pagbawi ng mga komunidad, dagdag pa ng Department of Foreign Affairs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |