Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Putin at Aquino, nag-usap na

(GMT+08:00) 2015-11-14 18:05:57       CRI

NAG-USAP na sina Russian President Vladimir Putin at Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III hinggil sa kanyang pagliban sa pagpupulong ng mga pinuno ng APEC economies sa darating na linggo.

Sa isang press briefing sa International Media Center, sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose na hindi niya batid kung ano ang napag-usapan ng dalawang pangulo subalit maliwanag na ang pagdalo ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev sa pagtitipon.

Tumangging magbigay ng pahayag si Asst. Secretary Jose kung may kinalaman sa pagbabanta ng IS kay Russian President Putin kaya't minabuti nitong huwag nang dumalo sa pagtitipon.

Samantala, sinabi rin ni Asst. Secretary Jose na naghihintay pa sila ng pormal na pahayag sa hindi pagdalo ni Indonesian President Joko Widodo sa APEC. Magugunitang lumabas sa balitang nagdesisyon ang pangulo ng pinakamalaking bansa sa timog silangang Asia na daluhan muna ang domestic issues sa kanyang bansa matapos dumalo sa Group of 20 sa Istanbul at makapaghanda sa napipintong ASEAN meeting sa mga susunod na araw.

Idinagdag pa ng tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs handa na ang lahat para sa pagtatapos ng maraming mga pagpupulong sa APEC 2015.

Walang anumang pag-uusapan hinggil sa mga 'di pagkakaunawaan sa karagatan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas bagama't hindi mapipigilan ng Pilipinas kung mayroong bansang babanggit nito sa mga talumpati at pagpupulong.

Tumangging magbigay ng pahayag si G. Jose sa nabalitang pagdalaw ni Pangulong Barak Obama sa isang maritime facility samantalang nasa Pilipinas.

Wala na umanong nagpahayag pa ng hindi pagdalo sa APEC mula sa mga kasaping bansa.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>