Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga taga-Metro Manila, pinaghahanda sa hagupit ni "Nona"

(GMT+08:00) 2015-12-14 18:57:05       CRI

Walang inaasahang pagbabago sa liderato at sa bansa

DEAN JULIO C. TEEHANKEE NAGMUNGKAHING BAGUHIN ANG ILANG MAHAHALAGANG BAGAY.  Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinai ni De La Salle University Dean Julio C. Teehankee na data baguhin ang mga institution, sistema at istruktura upan makamtan ng mas nakararami ang kaunlaran.  Nakasata sa talakayan sina Atty. Romulo Macalintal (kaliwa) at dating Senador Francisco Tatad (kanan) sa masiglang talakayan ng mga naganap sa tang 2015.  (Melo M. Acuna)

MAGANDA ang simula ng taong 2015 para sa Pilipinas sa pagdalaw ni Pope Francis noong Enero. Nagkataon nga lamang na nagsunod-sunod ang problemang hinarap ng bansa tulad ng naganap sa Mamasapano Massacre na ikinasawi ng 44 na pulis.

Naganap ang malaya at malawakang talakayan sa "Tapatan sa Aristocrat" kanina.

May mga trahedyang naganap mula sa kakulangan ng pamahalaan tulad ng matinding traffic sa Metro Manila hindi lamang sa lansangan kungdi sa himpapawid. Nagkaroon na rin ng traffic sa pier. Magkakaroon ito ng epekto sa darating na halalan.

Ani Prof. Julio Teehankee, walang anumang magaganap na pagbabago tulad ng pag-aakalang gaganda ang takbo, patuloy namang bumababa. Naghahanap umano ng mga bayani ang mga mamamayan subalit hindi naman nakakamtan ang mithing ito. Mayroong tatlong mahahalagang bagay na babaguhin tulad ng institusyon sa mga alituntunin sa bansa. Hindi na kailangang magkaroonng diktador. Dapat baguhin ang sistema o mga proseso. Hindi na kailangan pa ng mga duktor upang ayusin ang traffic.

Ang kailangan ay ang pagbabago ng structure sa larangan ng ekonomiya na hindi napakikinabangan ng mas nakararami.

Ginawa rin ng Aquino government ang mga batas at programang magtatagal ang epekto tulad ng mga ito tulad ng CCT at K12. Sa unang bahagi ng Aquino administration, maraming umaasa at ngayong patapos na ang pamahalaan, hindi nagkaroon ng political reform, inclusive growth at ang paghahatid ng kaunlaran sa karamihan ng mamamayan.

Para kay Atty. Romulo Macalintal, nakalulungkot na dumalaw nga ang Santo Papa subalit namura pa dahil sa traffic. Wala naman umanong Mayor Rodrigo Duterte na bumatikos sa Iglesia ni Cristo at sa traffic na APEC noong nakalipas na Nobyembre.

Maraming kapalpakang naganap tulad ng MRT/LRT, Tanim-Bala, Sports Utility Vehicles na hindi makontrol ng mga tsuper sa nakalipas na ilang taon. Ito rin daw ang taon ng disqualification.

Ipinaliwanag ni dating Senador Francisco Tatad na mahalagang pahalagahan ang Saligang Batas ng lahat upang ang lahat ng kandidato ay constitutionally eligible.

Mahalaga umanong mabatid ng mamamayan ang pagkakaiba ng popularidad sa kakayahan.

Kung disqualified na si Senador Grace Poe, nararapat lamang bantayan kung masususpinde o madidisqualify rin sa si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>