|
||||||||
|
||
Director ng DILG sa Regon IV-A, binaril, malubha
NASA malubhang kalagayan si Interior and Local Government Director Renato Brion, 60 taong gulang sa Calamba City kaninang umaga.
Ayon sa Police Regional Office 4, na sa Calamba Medical Center si Director Brion matapos ang pamamaril malapit sa kanyang tanggapan. Kasalukuyang nasa Intensive Care Unit.
Walong punglo ang tumama sa kanyang katawan tulad ng tigdadalawa sa ulo, sa leeg, katawan at kamay. May posibilidad na baka exit wounds ang ibang tama ng bala.
Kinondena na ni Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento ang pinakabagong pananambang sa kanyang director.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |