|
||||||||
|
||
Commission on Elections, humiling ng palugit sa Korte Suprema
HINILING ng Commission on Elections sa Korte Suprema na bigyan sila ng sapat na panahon upang sagutin ang mga petisyon mula sa kampo ni Senador Grace Poe na humihiling na baliktarin ang desisyong nagkansela sa kanyang Certificate of Candidacy at nanindigang nararapat siyang tumakbo sa panguluhan sa Mayo.
Tumanggi ang Solicitor General na maging abogado ng Comelec sapagkat sila na ang kumakatawan sa Senate Electoral Tribunal.
Sa pitong pahinang pahayag na mayroong very urgent motion for extension, sinabi ng Comelec na natanggap nila ang sipi ng temporary restraining order ng Korte Suprema noong ika-29 ng Disyembre na nag-aatas na magsumite sa loob ng non-extendable period na sampung araw.
Kahapon, sinabi ng Office of the Solicitor General kahapon na hindi na sila maaaring maging abogado ng Comelec.
Sinabi ng Comelec na sa pagkakatanggap nila ng petisyon ni Senador Poe kahapon ay nasa alanganin na sila sapagkat nararapat silang maghayag ng kanilang panig sa darating na Huwebes, ika-pito sa buwan ng Enero.
Sinabi na rin ng Office of the Solicitor General na walang grave abuse of discretion sa pagpabor ng Senate Electoral Tribunal kay Senador Poe.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |