|
||||||||
|
||
Malacanang, nagpasalamat sa desisyon ng Sandiganbayan
IPINAGPASALAMAT ng Malacanang ang pinakahuling desisyon ng Sandiganbayan hinggil pag-uutos sa mga naulila ng mga malalapit na kaibigan ng mga Marcos na ibalik ang may P511 milyong halaga ng ill-gotten wealth mula sa illegal logging concessions sa lawak na 600,000 ektarya sa apat na lalawigan.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr.na isang malaking pagwawagi ito para sa mga Filipino matapos magdemanda ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) laban sa negosyanteng si Alfonso Lim Sr., na namayapa na, sa kanyang anak na si Alfonso Jr. at dating Minister of Natural Resources Teodoro Pena noong Oktubre 1991.
Nailabas ang desisyong may petsang ika-14 ng Disyembre 2015 na nag-uutos sa Taggat Industries na pag-aari ni Alfonso Lim, Sr. na ibalik na sa pamahalaan ang lahat ng pondo at ari-ariang napapaloob sa kanseladong Timber License Agreement. Nabatid na ang timber concessions na ibinigay sa mga Lim ay higit sa 100,000 ektarya na ayon sa Saligang Batas noong 1973. Namutol at naglabas ng mga kahoy na narra at almaciga sa kagubatan ng Batangas, Cagayan, Rizal at Cavite noong dekada Sitenta.
Pinawalang-saysay ng Sandiganbayan ang demanda ng Pilipinas laban sa mga Lim at walang binanggit na pananagutan ang yumaong Ferdinand Marcos, ang kanyang maybahay at mga supling.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |