Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pemberton, hindi makukulong sa karaniwang piitan

(GMT+08:00) 2016-02-02 17:04:57       CRI

 

Pemberton, hindi makukulong sa karaniwang piitan

PINAWALANG-SAYSAY ng Korte Suprema ang petisyon ng mga kamag-anak ng napaslang na si Jeffrey "Jennifer" S. Laude na mailipat si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa regular na piitan.

Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te, tinanggihan ng Korte Suprema ang "motion for reconsideration" ng mga nagpetisyon mula sa desisyon ng hukuman noong ika-24 ng Nobyembre na nagpapawalang-saysay sa petisyon.

Sa naunang desisyon noong Nobyembre, kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ni Olongapo Regional Trial Court Branch 74 Judge Roline M. Jines-Jabalde na tumanggi sa petisyong mapiit si Pemberton sa Olongapo City Jail.

Wala umanong pag-abusong ginawa ang hukom ng tanggihan ang kahilingan dahil sa technicality. Hindi rin makatarungan ang paggiit sa Armed Forces of the Philippines na isuko si Pemberton ng walang pagkatig ng taga-usig. Nahatulan si Pemberton ng homicide noong Disyembre sa pagkamatay ni Laude at nahatulang mabilanggo ng hanggang 12 taon.

Nag-utos si Judge Jinez-Jabalde na mapiit si Pemberton sa custodial center sa Campo Aguinaldo.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>