|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga enhinyero't arkitekto, 'di mawawalan ng trabaho sa Qatar
NAPAWI na ang pangamba ng mga enhinyero't arkitektong Filipino sa Qatar na mawawalan sila ng trabaho sa kakulangan ng 12 taong basic education.
Ito ang dahilan kaya't nagtungo sina Commission on Hihger Education Chairperson Dr. Patricia B. Licuanan, Professional Regulation Commission Acting Chair Angeline T. Chua Chiaco at Philippine Ambassador to Qatar Wilfredo C. Santos at nakipag-usap kina Education and Higher Education Minister Mohd A. Alhamadi at mga opisyal ng Supreme Education Council at mga opisyal ng Urban Planning and Development Authority noong Linggo at Lunes, ika-31 ng Enero at unang araw ng Pebrero.
Sa isang pahayag, sinabi ni Dr. Licuanan na pinag-usapan nila ang kalagayan ng mga enhinyero't arkitekto sa Qatar. Ang mga propesyunal na ito ay nararapat magparehistro sa Urban Planning and Development Authority. Ang pag-aaral ng kulang sa 12 taon ay kinikilala lamang ng Qatar Supreme Education Council na kapantay ng Diploma kaya't hindi sila pinapayagang magrehistro sa UPDA. Nangangamba ang may 12,000 Filipinong propesyunal na mawawalan sila ng trabaho.
Wala umanong dahilan upang mangamba ang mga Filipino sapagkat walang balak ang mga Qatari na tanggalin sila sa trabaho sapagkat mahalaga ang kanilang papel sa ekonomiya ng bansa. Kahit pa ipinatutupad na nila ang batas na ipinasa noong 2005 na nangangailangan ng registration, handa ang mga Qatari na maging maluwag sa kakulangan ng dalawang taon sa Philippine Ducation Cycle.
Tatanggapin ng UPDA ang pagpapatala ng mga propesyunal na nagtapos sa mga pamantasang aprubado ng CHED na umaabot sa 90 sa buong bansa. Sa pagkakaroon ng lisensya mula sa PRC, makakapagparehistro na ang mga propesyunal at maaaring sumailalim ng pagsubok sa loob ng apat na ulit. Sakaling hindi makapasa sa ika-apat na pagtatangka, hindi naman siya mawawalang ng trabaho subalit mapapalitan ang kanyang titulo.
Inanyayahan din ni Dr. Licuanan ang mga opisyal mula sa Qatar na dumalaw sa Pilipinas upang maunawaan ang mga ginagawa ng bansa upang mapa-unlad ang kalakaran sa Edukasyon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |