Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bandang "Perfect Storm" at pagpapatuloy ng instrumentong Tsino II

(GMT+08:00) 2016-02-19 21:50:43       CRI
 Naalala po ba ninyo ang bandang "Perfet Storm?"

Ang "Perfect Storm" ay bandang itinatag ng dalawang estudyante ng Central Conservatory of Music. Sila ay sina Shang Zujian at Xu Xiaonan.

Si Shangzhujian ay tumutugtog ng Erhu, si Xu Xiaonan naman ay tumutugtog ng accordion.

Bakit nila itinatag ang bandang ito?

Ayon kay Shang Zujian, itinatag ang banda para mas mabuting mapalaganap ang folk music ng Tsina at muling paggamit ng Erhu, tradisyonal na instrumentong Tsino.

Halos lahat ng mga tradisyonal na instrumentong Tsino ay boring kapag mag-isang tinutugtog, at minsan hindi sapat ang kanilang mga tunog para sa mga bagong musika. Ang pagsasanib ng dalawang instrumento ay para suplementuhan ng modernong elemento ang Erhu, at para mapalawak ang paggamit nito sa musika.

Si Shang Zujian ay nasa huling taon na ng kanyang master's degree. Para sa kanya, ang pinakamahirap na bahagi ng pag-aaral ng instrumento ay malalim na pag-uunawa sa orihinal na obra at pagdaragdag ng sariling malikhaing elemento.

Nang tunungin siya kung ano ang gusto niyang gawin pagkaraan ng graduation. Sinabi niyang, gusto niyang maging isang guro ng Erhu.

Ayon pa kay Shang, kahit medyo mahirap maghanap ng trabaho ang mga graduate major sa mga tradisyonal na instrumentong Tsino, iginigiit pa rin ng karamihan sa kanila ang pangarap. Ilan sa kanila ay gustong maging guro, at ilan ay gustong maging miyembro ng mga kilalang orchestra.

Kapwa mga estudyante at guro ay nagsisikap para mapalaganap ang folk music at paggamit ng tradisyonal na instrumentong Tsino.

Sa departemento ni Shang, ini-organisa nila ang isang Orchestra na pinamagatang "Shengfeng National Chamber Orchestra" na binubuo naman ng mga tradisyonal na instrumentong Tsino.

Sinulat ng mga guro ang bagong obra para sa orchestrang ito. Pakinggan natin ang kanilang obrang pinamagatang "Shengfeng."

Ang "Shengfeng"

 

May Kinalamang Babasahin
maarte
v Bandang "Perfect Storm" at pagpapatuloy ng instrumentong Tsino I 2016-02-19 21:42:26
v "Anak" sa iba't ibang wika 2016-02-02 14:24:00
v 2015 China-ASEAN Friendship Concert III 2016-01-22 15:26:56
v China-ASEAN Friendship Concert II 2016-01-13 09:53:38
v Si Fan Fan 2015-12-15 22:55:51
v Tracy Huang 2015-12-03 11:23:38
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>