Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hostage ng Abu Sayyaf, pinugutan na

(GMT+08:00) 2016-04-26 17:09:09       CRI
Hostage ng Abu Sayyaf, pinugutan na

PINUGUTAN na ng Abu Sayyaf ang isa sa apat na bihag kahapon tulad ng kanilang pangako kung hindi makapagbibigay ng ransom ang Canadian government.

Ayon sa pulisya, kumpirmado ang pamumugot nang matagpuan ang ulo ng banyaga sa panulukan ng Mayor Sali Yusali at Sari Ahmad Streets sa barangay Walled City sa Jolo, Sulu kagabi.

Ayon kay Chief Inspector Junpikar Sittin, chief of police ng Jolo, pinaniniwalaang nilang banyaga ang pinaslang matapos ilagay ang ulo sa isang plastic bag na natagpuan mga ikapito't kalahati ng gabi kagabi.

Hahanapin pa nila ang katawan ng biktima.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, nakikiisa sila sa pakikiramay sa pamilya ni G. John Ridsdel at sa pamahalaan at mga mamamayan ng Canada.

Sa isang pahayag, sinabi ng Department of Foreign Affairs na nakiisa sila sa walang katuturang pagpaslang sa biktima.

Sinusuportahan ng DFA ang mga alagad ng batas at mga kawal ng pamahalaan na kinabibilangan ng ilang nagbuwis na ng kanilang buhay sa pagtatangkang mailigtas ang mga bihag at mapanagot ang mga nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Kinokundena ng DFA ang pinakahuling pagpaslang na ginawa ng Abu Sayyaf at muling binanggit na patuloy na hahadlangan ang terorismo sa lahat ng uri nito.

Sa panig ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, ipinaabot din nila ang kanilang pakikiramay sa pagdadalamhati ng mga naulila ni G. John Ridsdel at maging sa pamahalaan at mga mamamayan ng Canada na pinaslang ng mga badidong Abu Sayyaf.

Walang humpay ang gagawing pagtugis ng pulisya at mga militar sa mga may kagagawan ng krimen.

Nangako ang AFP at PNP na pananagutin ang lahat ng may kagagawan ng krimeng ito.

Humarap na rin sa mga mamamahayag sa Canada si Prime Minister Justin Trudeau at kinondena ang krimeng ginawa sa kanilang kababayan. Idinagdag pa niyang makikipagtulungan ang pamahalaan ng Canada sa Pilipinas at walang anumang detalyes pang ihahayag sapagkat maaaring makasama sa operasyong ginagawa ng mga kawal at pulis ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Nanawagan din siya sa mga mamamahayag na kilalanin ang pagdadalamhati ng mga pamilya sa panahong ito.

Ayon kay Prime Minister Trudeau, mula sa Calgary, Alberta si G. Ridsdel.

Dalawang lalaking sakay sa isang motorsiklo ang nagdala ng ulo ni Ridsdel at dagliang tumakas.

Humiling ang Abu Sayyaf ng P 300 milyong ransom para sa bawat bihag na nararapat bayaran hanggang kahapon.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>