Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Padalang salapi ng mga manggagawang Filipino, umabot sa US$ 2.4 bilyon

(GMT+08:00) 2017-03-15 17:56:05       CRI

Kontrobersyal ang usaping ihahain laban kay Pangulong Duterte sa International Criminal Court

USAPIN LABAN KAY PANGULONG DUTERTE, HINDI MAGTATAGUMPAY.  Ito ang paninindigan ni Atty. Harry L. Roque, Jr., isang mambabatas at propesor sa abugasya sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido.  Balak ni Atty. Jude Sabio na ireklamo si Pangulong Duterte sa International Criminal Court.  (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si Kabayan Party List Congressman Harry L. Roque, Jr. na may posiblidad na pawalang-saysay ang reklamong ihahain ni Atty. Jude Sabio laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa International Criminal Court sa mga susunod na araw.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Roque sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kaninang umaga. Ani Atty. Roque, hindi mabibigyang daan ang reklamong ihahain ni Atty. Sabio sapagkat hindi pa nagagamit ang mekanismo sa Pilipinas tulad ng pagsusumbong sa pulisya, sa piskalya at hukuman.

Sa panig ni Atty. Sabio, sinabi niyang mahirap lumantad ang mahihirap na biktima ng mga pagpatay sapagkat madali silang matakot ng mga autoridad tulad ng mga pulis. Hindi umano maipagkakatiwala ang pagsisiyasat o imbestigasyon sa pulisya sapagkat pulis din ang may kagagawan ng mga pagpatay. Hindi rin makararating sa piskalya at hukuman sapagkat kakaiba ang ginagawa ng mga nasa hudikatura at ehekutibo.

Para kay G. Ellecer Carlos ng iDEFEND, talamak na ang mga pagpatay sa Pilipinas mula pa noong manungkulan si Pangulong Duterte sa bansa. Aabot na umano sa 8,000 ang napapaslang na tila pagsunod sa mga kautusang mula sa mga talumpati ng pangulo sa iba't ibang okasyon.

Lumakas umano ang loob ng mga autoridad sa kanilang pagsunod sa direktiba ng pangulong sugpuin ang droga sa anumang paraan.

Ipinaliwanag naman ni Atty. Roque na dumulog sila sa Ombudsman at maging sa Korte Suprema at nabigyan sila sa kanilang kahilingang Writ of Amparo laban sa mga pulis na nagsagawa ng Operation Tokhang sa isang barangay sa Quezon City kamakailan.

Napakaraming biktima ng karahasan ang hindi makalabas sa pangambang pag-initan ng mga autoridad, dagdag naman ni G. Carlos ng iDEFEND.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>