Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Abu Sayyaf, malalansag ayon sa utos ni Pangulong Duterte

(GMT+08:00) 2017-04-19 16:59:56       CRI

Abu Sayyaf, malalansag ayon sa utos ni Pangulong Duterte

ABU SAYYAF, MASUSUGPO. Sinabi ni Col. Edgard Arevalo, pinuno ng AFP Public Affairs Office na mababawasan ang panganib na dulot ng Abu SAyyaf sa pagtatapos ng huling araw ng Hunyo ng 2017. Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido, maliwanag umanong nagigipit na ang Abu Sayyaf kaya't nakarating sa Bohol. Nasugpo naman ang kanilang balak dahil sa alertong mga mamamayan. (Melo M. Acuna)

ABU SAYYAF MAY COLLABORATORS. Naniniwala si dating Interior and Local Government at Tourism Secretary Rafael M. Alunan III na nakakilos ang Abu Sayyaf sa Bohol dahil sa mga Moslem convert na collaborators. Masigasig ang mga opisyal ng Bohol kata't nasugpo ang anumang balak ng group, dagdag pa ni G. Alunan. (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si Col. Edgard Arevalo, pinuno ng Public Affairs Office ng Armed Forces of the Philippines na masusugpo ang panganib na dulot ng Abu Sayyaf sa pagsapit ng huling araw ng Hunyo ng taong ito.

Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina, sinabi ni Colonel Arevalo na magaganap ito sapagkat walang humpay ang kanilang operasyon laban sa mga terorista sa Mindanao. Nakatanggap na rin umano sila ng surrender feelers mula kay Radulan Sahiron at inaalam pa nila ang katotohanan sa bagay na ito, Sa kanilang mga operasyon, may nalalagas na ring mga kasapi ng Abu Sayyaf at nakakabawi na sila ng mga sandata. May 11 kataong sumuko kamakailan sa pamahalaan na pinamunuan ng isang ASG sub-leader.

Tuloy ang operasyon ng Philippine Navy at Philippine Marines sa pagitan ng Sulu at Tawi-Tawi at nakatatanggap na sila ng suporta mula sa mga mamamayan. Hindi naman nila inaasahang mapapaslang ang lahat ng kasapi ng Abu Sayyaf subalit umaasa silang mababawasan ang peligrong maidudulot nito sa mga mamamayan.

Ang isang bagay na kinikilala nilang dahilan sa pagtatagal ng Abu Sayyaf ng halos 30 taon ay ang pagiging mga kamag-anak at benepisyaryo ng mga biyayang mula sa mga ransom na ibinabayad ng mga biktima.

Sa ginawagang operasyon ng mga kawal sa pinagkukutaan ng mga Abu Sayyaf, nagtangka silang kumilos sa Bohol noong nakalipas na linggo subalit napigilan ng magbalita ang mga taga-barangay sa pamahalaan at nagpadala ng mga kawal at pulis sa pook. Ito ang dahilan kaya't nagkaroon ng sagupaan. Layunin sana nilang magsagawa ng kidnap-for-ransom activities sa Bohol.

Sa panig naman ni dating Interior and Local Government at Tourism Secretary Rafael M. Alunan III, naniniwala siyang nakakilos ang Abu Sayyaf sa Bohol sa tulong ng mga Moslem converts sa pook. Mayroon umanong mga collaborator o mga kasabwat sa Bohol ang mga Abu Sayyaf. Ipinaliwanag naman ni Col. Arevalo na kaya naganap ito ay dahil sa pangakong biyayang magmumula sa ransom ng mga mabibiktima.

Sinabi naman ni Prof. Julkipli Wadi ng Institute of Islamic Studies ng University of the Philippines na matagal na nakaligtaan ng pamahalaan ang Mindanao. Magandang pagkakataon ito sa ilalim ng isang pangulong mula sa Mindanao kaya't may posibilidad na masusugpo na ang kaguluhan sa pagdating ng inaasahang kaunlaran sa pook.

Sa idinaos na programa ng mga economic manager ng pamahalaan kahapon, nabatid na ang pinakamalaking ambag sa Gross Domestic Product ay mula sa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon at Central Visayas samantalang mula lamang sa isa hanggang dalawang porsiyento ng GDP ang nagmumula sa karamihan ng mga rehiyon.

Ibinalita rin ni G. Alunan na lumabas ang impormasyon sa social media na may mga 'di kilalang armadong tao na sakay ng mga bangka ang nakarating sa southern Negros na madalas ring dalawin ng mga banyagang turista.

Naniniwala rin si G. Alunan na mabigat ang ginawang travel advisory ng iba't ibang bansa sa paglalakbay sa Pilipinas tulad ng ginawa ng South Korea. Ipinaliwanag din niyang karapatan ng mga pamahalaang balaan at payuhan ang kanilang mga mamamayan sa paglalakbay sa iba't ibang bahagi ng daigdig.

Ipinaliwanag ni Commodore Rex Robles, isang dating intelligence analyst sa Department of National Defense na tulad ng ginawa ng Australia matapos ang pagsabog sa Bali, dumagsang muli ang mga turista matapos ang dalawang taon.

Ani G. Robles, anumang epekto ng travel advisories sa pagdating ng mga turista sa Pilipinas ay panandalian lamang.

1 2 3
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>