Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kawayan at Rattan para sa Kaunlaran – Kabanata I

(GMT+08:00) 2017-06-29 15:57:38       CRI

Ang Pilipinas ay isa sa iilang bansa sa mundo na pinagpala ng kalikasan. Sabi nga nila, magtapon ka lang ng buto ng kahit anong halaman, ito ay tutubo at mamumunga.

Mayaman ang lupa ng Pilipinas, mayroon din itong sapat na ulan at araw na tamang-tama sa pagyabong ng mga pagkaing-butil, namumungang punung-kahoy, pag-usbong ng mga tropikal na kagubatan at siyempre, pagtubo ng kawayan at rattan.

Alam po ba ninyo na sa mga bansang Timogsilangan, Silangang Asya at ilang bansang Aprikano lamang tumutubo ang kawayan, samantalang, eksklusibong sa Timogsilangan at Silangang Asya lamang matatagpuan ang rattan?

Ang Pilipinas at Tsina ay dalawa sa mga bansang pinagpalang magkaroon ng dalawang halamang ito.

Para sa ating programa ngayong gabi, tatalakayin natin ang mga pakinabang na dulot ng mga halamang ito sa buhay ng mga tao tungo sa sustenable, balanse at berdeng pag-unlad, at ang misyon ng International Network for Bamboo and Rattan (INBAR) upang makamtan ng buong mundo ang layuning ito.

Nakabase rito sa Beijing, Tsina ang INBAR at layon nitong tulungan ang lahat ng bansa sa mundo upang magkaroon ng sustenable, balanse at beredeng pag-unlad sa pamamagitan ng kawayan at rattan. Eh, paano naman nila magagawa ito? Para yatang napakahirap namang isulong ang misyong ito ano po?

Kamakailan ay nagtungo ang inyong lingkod sa opisina ng INBAR sa Wangjing, Beijing upang kapanayamin si Dr. Hans Friederich, Director General ng INBAR upang ipaliwanag ang kanilang mga sustainable development goals (SDG) at kanilang mga pamamaraan. Pakinggan po natin ang unang bahagi ng ating 2-part special hinggil sa INBAR at kaunlarang idinudulot nito sa pamamagitan ng kawayan at rattan.

Dr. Hans Friederich habang ipinakikita ang isang eskulturang gawa sa kawayan

Mula sa kaliwa Dr. Wu Junqi ng INBAR, Dr. Hans Friederich, at Rhio Zablan

Dr. Hans Friederich (kaliwa) at Rhio Zablan ng Serbisyo Filipino habang nagkakamay matapos ang panayam

Dr. Hans Friederich habang ipinakikita ang beer na gawa sa kawayan

Dr. Hans Friederich (kaliwa) habang kinakapanayam ni Rhio Zablan ng Serbisyo Filipino

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>