Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Koponan mula North Korea, dumalaw sa Maynila

(GMT+08:00) 2017-07-26 16:28:22       CRI
  

 

4 Pangulong Duterte ilang ulit na sinabihan si General dela Rosa na ibalik sa trabaho ang kontrobersyal na pulis

PAGDINIG SA SENADO, PINAMUNUAN NI SENADOR LACSON.  Isang committee hearing ang ipinatawag ni Senador Panfilo Lacson upang malaman ang katotohanan sa pagbabalik sa isang may kasong pulis sa serbisyo.  Kasama niya sina Senador Paolo Aquino (Kaliwa) at Gregorio Honasan (kanan).  (Senate PRIB Photo)

 GENERAL DELA ROSA, HUMARAP SA SENADO.  Kasama ni Police Chief Ronald dela Rosa si Justice Undersecretary Reynante Orceo (kinatawan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II) sa Senate Committee on Public Order sa pagbabalik kay Supt. Marvin Marcos sa puerto kahit hindi pa natatapos ang paglilitis.  (Senate PRIB Photo)

 

 

INAMIN sa Senado ni PNP Director General Ronald dela Rosa na paulit-ulit na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na sa serbisyo ang may kasong si Supt. Marvin Marcos sapagkat sayang ang salapi ng gobyerno.

Ito ang naging pahayag ni Director General dela Rosa sa kanyang pagharap sa Senate Committee on Public Order sa ilalim ni Senador Panfilo Lacson.

Ilang ulit na ring sinabi ni Pangulong Duterte sa media na kailangang makabalik na sa serbisyo si Supt. Marcos na kinasuhan ng pagpatay kay Albuerra, Leyte Mayor Espinosa at sa isang bilanggong nakapiit din sa Sub-Provincial Jail sa Baybay, Leyte.

Para umano sa kanya, ang paulit-ulit na pahayag ng pangulo ay isang utos na hindi niya masusuway.

Itinanong ni Senador Paolo Aquino kung bakit hindi muna inilagay sa "floating status" ang mga ito, ipinaliwanag ni General dela Rosa na si Pangulong Duterte na mismo ang nag-utos sa kanya.

Niliwanag din ni General dela Rosa na hindi naman naka-apekto ang mga pahayag ni Pangulong Duterte sa pagsisiyasat at naging desisyon sa usapin laban kay Supt. Marcos. Inamin din niyang kakaiba ang kanyang naging pagkilos subalit nagdesisyon na rin siyang ibalik sa destino si Supt. Marcos sapagkat kulang sila ng mga tauhan sa iba't ibang larangan.

Nakakataas umano ng morale ng pulisya ang ginawa ni Pangulong Duterte kay Supt. Marcos. Binanggit niya ang pahayag ng pangulo na kung magkakaroon ng problema ang alagad ng batas ay maasahan ang kanyang tulong.

1 Photo No. 1 - KOPONAN MULA NORTH KOREA, NAKAUSAP NI USEC. MANALO. Dumalaw ang isang koponan ng mga diplomata mula sa Democratic People's Republic of Korea canine at nakausap si Foreign Undersecretary for Policy Enrique Manalo. Ping-usapan nila ang paghahanda sa pagdalo ng North Korean foreign minister sa ASEAN Regional Forum sa susunod na lingo. (File Photo/Melo M. Acuna)

4 Photo No. 2 - PAGDINIG SA SENADO, PINAMUNUAN NI SENADOR LACSON. Isang committee hearing ang ipinatawag ni Senador Panfilo Lacson upang malaman ang katotohanan sa pagbabalik sa isang may kasong pulis sa serbisyo. Kasama niya sina Senador Paolo Aquino (Kaliwa) at Gregorio Honasan (kanan). (Senate PRIB Photo)

4 Photo No. 3 - GENERAL DELA ROSA, HUMARAP SA SENADO. Kasama ni Police Chief Ronald dela Rosa si Justice Undersecretary Reynante Orceo (kinatawan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II) sa Senate Committee on Public Order sa pagbabalik kay Supt. Marvin Marcos sa puerto kahit hindi pa natatapos ang paglilitis. (Senate PRIB Photo)


1  2  3  4  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>