|
||||||||
|
||
Programang pang-ekonomiya ni Pangulong Duterte, napupuna na ng financial institutions
SINABI ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na unti-unti nang nakikita ng international financial institutions ang mga programa ng pamahalaan sa larangan ng ekonomiya.
Nagpasalamat si G. Abella sa positive outlook ng JP Morgan sa Pilipinas. Magugunitang ang JP Morgan Chase & Co. sa pamamagitan ng kanilang ekonomista sa ASEAN ay nagsabing maganda ang hinaharap ng bansa sa ilalim ni Pangulong Duterte.
Ipinaliwanag ni G. Abella na natutuwa sila sa Malacanang na kinikilala na ang pagtatangka ng pamahalaang magkatotoo ang layuning pagandahin ang kalagayan ng mga mamamayan ng bansa. Sa pamamagitan umano ng "Build, Build, Build" infrastructure program, magpapasigla ito sa ekonomiya sapagkat marami ang magkakaroon ng trabaho at gaganda ang takbo ng kalakal sa loob at labas ng Metro Manila.
Sinabi rin sa parehong briefing ni Secretary Ernesto Pernia na naipasa na ng kanyang tanggapan ang may 28 proyektong nagkakahalaga ng P 786 bilyon.
Bumaba na rin ang unemployment rate mula 6.1% noong Abril ng 2016 at nakamtan ang 4.7% noong Oktubre samantalang bumaba rin ang underemployment mula sa 20% at umabot na sa 16.3%.
Sa larangan ng foreign direct investments, tumaas ito mula sa US$ 5.7 billion noong 2015 at nakarating sa US$ 7 bilyon noong 2016.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |