Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, handang sumuporta sa impeachment

(GMT+08:00) 2017-08-14 20:32:40       CRI

SUSUPORTAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang posibleng impeachment complaint upang maituwid ang mga nagaganap sa pamahalaan at mapawi na ang katiwalian. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa Mindanao Hour kanina.

Tinanong si G. Abella kung susuportahan ng pangulo ang impeachment complaints laban kay Comelec Chairman Andres Bautista.

Wala namang binanggit si G. Abella subalit niliwanag niyang suportado ng pangulo ang anumang pagkilos upang maayos ang takbo ng pamahalaan.

Isa umano ang bagay na ito sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte noon pa mang nangangampanya siya.

Nabanggit na ni dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras na siya sa ang magrereklamo at hihiling na alisin sa puesto ang chairman ng Commission on Elections dahil sa pagkakamal ng sinasabing ill-gotten wealth tulad nang ibinunyag ng kanyang maybahay na si Patricia Paz Bautista.

Tumanggi si G. Abella na magpahayag sa sinabi ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na magbibitiw na si Chairman Bautista dahil sa isyu.


1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>