Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, handang sumuporta sa impeachment

(GMT+08:00) 2017-08-14 20:32:40       CRI

Hostage ng Abu Sayyaf, nailigtas

ISANG manggagawang dinukot ng Abu Sayyaf ang nailigtas ng mga kawal sa Basilan kanina.

Ayon sa Western Mindanao Command, natagpuan ng mga kawal si Edmundo Ramos, kilala sa pangalang Moymoy ng mga tauhan ng Joint Task Force Basilan sa Tapiantana, Basilan kaninang ala-una ng umaga.

Dinala siya sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City upang masuri.

Dinala si Ramos sa Basilan matapos makatakas kasama ang tatlong iba pa mula sa mga Abu Sayyaf sa Sulu. Nakatakas sila mula sa kamay ng mga armado sa pagpapatuloy ng military operations sa Sulu.

Natagpuan din ang kanyang mga kasama noong nakalipas na Biyernes, ika-11 ng Agosto sa Talipao, Sulu.

Magugunitang dinukot ang mga biktima sa Barangay Bangkal, Sulu noong ika-15 ng Hulyo. Pawang trabahador sa isang construction firm mula sa Guiwan, Zamboanga City at magtatrabaho sana sa Provincial Sports Complex sa Barangay Bangkal ng dukutin ng mga Abu Sayyaf.

Mayroon pang 15 mga banyaga at apat na Filipino na hawak ang Abu Sayyaf.


1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>