Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Shredded Pork with Garlic Sprouts

(GMT+08:00) 2017-09-20 16:31:43       CRI

Mga Sangkap

300-350 grams ng lean pork

150-200 grams ng garlic sprouts

1 maliit na carrot

1 itlog

Asin, pamintang durog, soy sauce, cooking wine at cornstarch (ayon sa pangangailangan at panlasa)

Green onion, hiniwa nang manipis at pahaba

Luya, hiniwa nang manipis at pahaba

Preparasyon

Hugasan ang lean pork tapos hiwain muna nang makakapal bago i-shred o hiwain nang manipis at pahaba ang makakapal na piraso. Ilagay sa isang plato pagkatapos.

Talupan ang mga tangkay ng garlic sprouts at gayatin sa mga pirasong may habang 2-3 centimeters. Hugasan at ilagay sa isang hiwalay na plato.

Hugasan at talupan ang carrot. Gayatin nang manipis at pahaba at ilagay sa isang hiwalay ding plato.

Ibabad ang lean pork sa pinaghaluhalong asin, cooking wine, soy sauce, puti ng itlog at cornstarch sa loob ng 10-15 minutes.

Paraan ng Pagluluto

Ibabad ang lean pork sa pinaghaluhalong asin, cooking wine, soy sauce, puti ng itlog at cornstarch sa loob ng 10-15 minutes.

Lagyan ng cooking oil ang kawali. Ikalat ang mantika hanggang sa gilid. Pag mainit na ang mantika, igisa ang shredded pork hanggang maging pale yellow ang kulay.

Hanguin, patuluin at itabi muna. Dagdagan ang natitirang mantika sa kawali. Igisa ang green onion at luya sa loob ng 10 seconds hanggang lumutang ang bango. Idagdag ang carrot strips at garlic sprouts at ituloy pa ang paggisa sa loob ng mga 30 seconds. Lagyan ng asin at paminta at haluin pa nang mga 10 seconds. Idagdag ang stir-fried lean pork at haluing mabuti. Patayin ang apoy at ilipat ang laman ng kawali sa serving dish.

May Kinalamang Babasahin
cooking show
v Easy Fried Rice 2017-09-15 08:14:03
v Pan-fried Noodles 2017-09-08 08:24:01
v Sauteed Mung Beans with Dried Small Shrimps 2017-09-02 13:45:02
v Crab Meat and Sponge Gourd 2017-08-25 12:03:12
v Broccoli with Lime 2017-08-15 16:17:09
v Chinese Take-out Shrimp with Garlic 2017-08-08 09:47:37
v Eggplant in Oyster Sauce 2017-08-02 16:03:57
v Easy Braised Turnip Rice 2017-07-26 16:33:35
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>