Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglabag ng International Criminal Court prosecutor sa complementarity, dahilan ng pagbitiw ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2018-03-16 16:45:58       CRI

Governor Imee Marcos, nagparamdam na tatakbo para sa Senado

GOVERNOR IMEE MARCOS, TATAKBO PARA SA SENADO. May posibilidad na tumakbo sa pagkasenador si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa 2019. Siya ang panganay na ana ni dating Pangulong Ferdinand at Imelda Marcos. (Melo M. Acuna)

SINABI ng panganay na anak ni yumaong Pangulong Ferdinand Edralin Marcos, si Ilocos Norte Governor Imee Marcos na posible siyang tumakbo pagka-Senador sa darating na 2019.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag at mga public relations practitioners sa EdSA Plaza Shangri-La, sinabi ni Bb. Marcos na susuportahan niya si Pangulong Duterte sa kanyang programang magpapatayo ng mga pagawaing-bayan tulad ng mga tulay at lansangan. Idinagdag ng gobernador ng Ilocos Norte na nararapat magkaroon ng malalaking investments sa larangan ng transportasyon at komunikasyon upang matiyak ang pag-unlad ng bansa.

Niliwanag niyang posibleng magmula ang mga kailangang kagamitan sa pagpapatayo ng mga pagawaing-bayan mula sa ibang bansa sapagkat mahigpit na ipinagbabawal sa kanyang lalawigan ang pagkuha ng itim na buhangin mula sa baybay dagat sapagkat masisira ang kanilang likas na yaman. Malaki ang posibilidad na angkatin na lamang ang mga aggregates at bakal na gagamitin sa mga tulay at lansangan.

Idinagdag pa niyang nararapat dagdagan ang P 200.00 panukalang ibibigay sa mga mahihirap bilang unconditional cash transfer upang maibsan ang hirap ng mga mamamayan sa pagkakaroon ng bisa ng TRAIN.

Sang-ayon siya sa ginawang pagbabago ni Pangulong Duterte sa pakikipag-relasyon sa Tsina. Ani Bb. Marcos, mga magulang niya ang nagsimulang magpatatag ng relasyong diplomatika sa bansang pinamumunuan noon ni Mao Zedong noong 1975.

Ani Bb. Marcos, ang mga Tsino ay matagal nang kaibigan ng mga Filipino sa daigdig ng kalakal mga ilang daang taon na ang nakalilipas. Wala umano sa kasaysayan ng dalawang bansa na nagtangkang manakop ang mga Tsino sa Pilipinas.

 


1  2  3  
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>