|
||||||||
|
||
20181204melo.m4a
|
Pabor ang Department of Energy sa pagaalis ng Reed Bank exploration ban
MALIWANAG ang pahayag ng Department of Energy sa pribadong sektor na handa ang pamahalaang alisin na ang pagbabawal ng exploration sa West Philippine Sea na ipinataw noong 2014.
Sa pag ganda na ang relasyon ng Pilipinas at Tsina at ang pagbabago sa larangan ng pandaigdigang politika, sinabi ni Secretary Alfonso G. Cusi sa PXP Energy Corporation na humiling ng pormal na alisin ang pagbabawal sa force majeure na pumapaloob sa Service Contract 72 sa Reed Bank.
Ayon kay Secretary Cusi, maaaring lumiham at hilingin ang lifting ng force majeure sa kanyang pakikipag-usap kay Daniel Carlos sa pagdaraos ng Energy Investment Forum sa Taguig City.
Naideklara ng Department of Energy ang force majeure sa Reed Bank noong 2014. Ang deklarasyong ito ang nagsuspinde sa oil drilling at exploration sa pook na bahagi ng kontrobersyal na bahagi ng karagatan para sa Pilipinas at Tsina.
Ang PXP Energy na kilala sa pangalang Philex Petroleum Corporation noon ay mayroong 77.5 percent controlling stake sa Forum Energy na mayroong 70-percent na interest sa SC 72.
Hihintayin umano ni G. Cusi ang application ng PXP at saka sila kikilos. Ito ang kanyang pahayag sa mga reporter na nakipag-usap sa kanya kanina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |