|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, pabor sa panukala ng Kongreso na gawing legal ang marijuana
MAY sinabi na si Pangulong Rodrigo Duterte na pabor siyang gamitin ang marijuana para makagamot ng mga may karamdamam. Maliwanag na tutol siya kung sa ibang paraan gagamitin ang kontrobersyal na halaman.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa Malacanang kanina. Isang buwan bago nanungkulan ang pangulo, nabanggit na niyang magagamit ang marijuana sapagkat bahagi ito ng makabagong gamot.
Ang pahayag na ito ni G. Panelo ay lumabas isang araw matapos umanong magbiro si Pangulong Duterte na gumagamit siya ng marijuana upang manatiling gising at makatugon sa kanyang mga pormal na okasyon.
Iba-iba ang epekto ng marijuana sa mga gumagamit nito sapagkat posibleng maging stimulant o depressant.
May panukala si Senador Risa Hontiveros na magkaroon ng malawakang public health approach sa drug-related policy. Panukala ring gamitin ang marijuana upang gamutin o ibsan ang sakit ng nakapipinsalang karamdaman base sa magiging pagkilala ng Food and Drug Administration.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |