Kumpara sa mga fast food restaurant na Kanluranin, ang mga ganitong kainan sa Tsina ay medyo nahuli ng pag-unlad. Ang konsepto ng makabagong fast food ay pumasok sa Tsina nang ang Kentucky Fried Chicken ay magbukas ng sangay noong Abril ng taong 1987. Marahil, ito ay sa dahilang ang gawi sa pagkain ng mga Tsino ay iba sa gawi ng mga taga-Kanluran. Ang mga Tsino ay mahilig umorder ng maraming masasarap na putahe sa restawran at kumain ng magkakasama at magkuwentuhan habang kumakain. Sa kasalukuyan, ang pag-unlad ng industriya ng fast food ng Tsina ay nasa unang yugto pa rin at hindi pa talagang sumusulong sa malawakang proporsiyon. Gayunman, sa mga lunsod sa baybayin at sa mga malaki at katamtamang-laking lunsod, ang fast food ay isang hindi maiiwasang pagpili ng mga mag-aaral, ng mga mamamayang mahilig kumain sa labas at iba pa. Sa mga lunsod na ito, napakadaling maghanap ng KFC at Macdonald's. Marami ring makikitang mga fast food na Tsino na nagbibigay ng malaking ginhawa sa mga makabagong mamamayang laging nagdudumali sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.