Ang diyeta o karaniwang pagkain ng mga taga-Kanluran ay may tendensiyang magbigay-diin sa siyensiya na ang nakahihigit ay may kinalaman sa nutrisyon. Sa gayon, ang pagkakaroon ng mabuting nutrisyon ay ang pinakamataas na istandard sa karaniwang pagkain ng mga taga-Kanluran. Base sa kahalagahan ng nutrisyon, karamihan sa mga taga-Kanluran ay mahilig kumain ng hilaw na gulay. Kumakain sila, hindi lang ng hilaw na kamatis, pipino at litsugas, kundi maging ng repolyo, sibuyas at broccoli sa dahilang ang hilaw na gulay ay may higit na bitamina na maaring mawala sa pagluluto. Mayroong kasabihang Tsino na “Ang pagkain ay saligan ng buhay ng mga tao, samantalang ang lasa ay nangunguna.” Ang kasabihang ito ay nagpapakitang habol ng mga Tsino ang “kulay, lasa, bango at hugis” ng pagkaing kanilang niluluto. Ang limang pangunahing timpladang Tsino ay ginagamit sa masarap na pagluluto. Gayunman, hindi maiiwasang mawala ang sustansiya ng pagkain sa proseso ng pagluluto sa mataas na temperatura. Kaya ang sining ng makabagong paglulutong Tsino ay naglalayong makamit ang pinakamagandang balanse ng kapuwa nutrisyon at lasa, na siyempre para na ring “Pagbabago sa Kultura ng Pagkain.”