Sa kanyang talumpati kamakailan sa Beijing, ibinahagi ni Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, ang kanyang mga matalinong palagay hinggil sa relasyong Amerikano-Sino.
Sinabi ni Kissinger, na ang isa sa mga pangunahing sanhi sa kasalukuyang malaking problema sa pagitan ng Amerika at Tsina ay di obdiyektibong pakikitungo sa Tsina, na dulot ng hindi lubos na pagkaunawa sa kulturang Tsino.
Ipinalalagay ni Kissinger, na bilang dalawang malaking bansa, magiging grabe kung magaganap ang sagupaang militar sa pagitan ng Amerika at Tsina. Pero aniya, bagama't umiiral ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bansa, walang isa ang magreresulta sa sagupaang militar.
Natandaan din ni Kissinger, na sa kanyang lihim na biyahe sa Tsina noong 1971, mahigawa ang kanyang impresyon sa bansa. Ani Kissinger, noong panahong iyon, sinabi sa kanya ni Premyer Zhou Enlai, na ito ay dahil sa kulang na pag-uunawaan ng Tsina at Amerika. Dagdag aniya ni Premyer Zhou, kung lubos na mauunawaan ng dalawang bansa ang isa't isa, hindi magiging mahigawa ang Tsina para sa Amerika.
Dagdag pa ni Kissinger, ang isinasagawang talastasan sa kalakalan ng Tsina at Amerika ay may pag-asang magiging kagawian. Aniya, kung magtatagumpay ang nasabing talastasan, ito ay magiging simula ng mas malawak na diyalogo ng Tsina at Amerika sa aspektong pulitikal, na inaasahan niyang madalas na isasagawa ng dalawang bansa sa hinaharap.